Monday, September 15, 2008

My True Friend

Me and One of My true friend at masasabi ko talagang swerto ako at nakilala ko sya.She is very kind at sobrang matulungin, lalo na in times na kaylangan mo sya. I'm very happy to have a friend like her.

Wednesday, September 3, 2008

Ang Tunay na kahulugan ng Salitang "Kaibigan"


Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang kaibigan? Para sa akin maraming ibig sabihin ng kaibigan, kaibigan sa kasiyahan lang or sa gimmick lang, kaibigan kapag may kailangan lang sayo, kaibigan lang sa tsismisan, kaibigan lang na may makakasama at makaka-usap, kaibigan lang siya kapag may nakukuha sayo. Yan lang ang mga halimbawa ng salitang kaibigan. Sa tingin ninyo ba masasabi mo na agad na kaibigan kapag bago palang kayo magka-kilala?.

Para sa akin ang tunay na kaibigan ay ang taong nasa likuran mo sa oras ng kagipitan, taong mahihingahan mo sa oras na may problema ka at feeling depress ka, at siya ang taong magpapalakas ng iyong loob at susuporta sa iyo kahit sa anong bagay. Yun ang matatawag kong tunay na kaibigan, yung tanggap ka kahit ano ka at kahit ano meron ka, yung kahit anong mangyari nandiyan siya sa likod mo, siya rin yung taong hindi mag-aatubiling magsasabi sayo kung tama ba o mali na ang ginagawa mo , taong tutulong sayo na hindi mag-hihintay na ano mang kapalit, taong maiiyakan mo, taong masasabihan mo ng kahit anong sekreto mo, taong I maitetreasured mo habang ika'y nabubuhay, at kahit anong pag-subok ang dumating sayo nandiyan siya hindi ka niya iiwan. Kapag ganyan ang taong kaibigan mo masasabi mo na siya ang tunay mong kaibigan.